Dahil summer at swimming ang pinuntahan namin, isa sa naging games ay ang ‘longest line’ kung saan ay may 3 teams at tig-10 miyembro ang sumali. Di ako sumali kasi gusto kong manilip lang at makita kung hanggang saan ang kaya nilang ilabas sa ngalan ng P5000.00.
So yun nga, natawa ako kasi yung iba lahat halos tanggalin na: bikini, shorts, sando, goggles, sombrero at mga mamahaling abubot at jewelries…
Kaso dayaan kung dayaan. Ok lang sa mga organizer kasi mukhang ganun talaga ang patakaran.
Sinundan ko ang line habang sinisipat ang ilang nakalagay sa sahig (pati ang mga hubad nilang katawa, hihi…), at natawa ako sa mga nakalagay sa sahig ng TIER 2. May mga tupperwares, kutsara’t tinidor, toothpaste at sepilyo…
Eh ayaw magpatalo ng mga OFFICERS. Yung account manager naming babae, tumakbo sa cabana nila, kinuha ang transparent na bag at sinimulang ilatag ang mga tuwalya, scarf, bra, panty, lipgloss, make-up, modess.
“This bitches…”, nasa isip ko, “Andadaya talaga!”
Nagulat ako sa mga TIER 1 agents. Mas mautak yata kami!
Kumuha ng WATER HOSE malapit dun sa swimming pool. At tumakbo pabalik na may FLOSS.
Panalo kami.
U mad?!

Buhay pa ba sila?! O nilamon na ni Sendong?! iJuanDer.
