Tumitigas ba?
Oo.
Mahaba ba?
Oo.
Lumalambot kung minsan?
Oo.
Ice candy?
*times up*
Hindi.
T*te pre, T*TE! Bopols!
May isang batang nag-aantay sa tatay niyang makauwi sa bahay. Pagdating ng kanyang ama, dali-dali itong nagtanong…
Anak: Papa, magkano po ang kinikita niyo sa isang oras?
Tatay: (galit) Bakit kailangan mong itanong yan?! Di mo na dapat pinapakialaman yan!
Anak: Sige na Tay, magkano po?
Tatay: P500 kada oras sa isang araw.
Anak: Pwede po ba akong makahiram ng P200?
Tatay: Aba, sumusobra itong batang ito! Wala! Umakyat ka sa kwarto mo at mag-aral ka! Hala! Baka kung anu-ano ang bilhin mo sa perang yun!!!
Umakyat ang bata na umiiyak. Bigla namang napagtanto ng tatay ang pagiging malupit sa nag-iisang anak. Kaya naman pinuntahan niya ito sa kwarto at inalo. Saka binigyan ang anak ng P200 mula sa pitaka. Nakita niya ang anak na nakasubsob sa unan ang mukha at tila humihikbi pa rin.
Tatay: Anak, pasensya ka na sa nangyari kanina. Medyo may hindi magandang nangyari lang sa trabaho. Oh, eto ang P200, bilhin mo ang nais mong bilhin.
Anak: Talaga po? Salamat po!
Napansin ng tatay na may kinuhang mga barya at papel na pera ang anak sa ilalim ng unan nito. Sa kanyang pagkakalkula, P300 mahigit din ang pera ng anak. Muli siyang nagalit sa anak…
Tatay: Andami mo palang pera diyan, bakit dapat ka pang humingi ng dalawandaan?!
Anak: Tay, may Idadagdag na po ako sa konteng barya na pag-aari ko….
P500 na po ito…
Ngayon po, pwede ko na po bang bayaran ang isang oras niyo na makapiling kayo?
Naiyak ang tatay at niyakap ang mahal na anak.
Lesson learned: Hindi natin hawak ang oras na pwedeng ilagi pa ng mga mahal natin sa buhay. Marapat namang bigyan natin ng panahon sila at gawing makabuluhan ang bawat pagsasama ninyo.
Opo, medyo naluha ako nung mabasa ko to. ;(
